Saturday, October 22, 2011

Alien, Nagbabala sa Whale Hunting. (Yes, Tabloid haha)

(Google Images) Can I work in Tabloid now? 

Nanginginig sa takot ang pitong dalaga habang isinasalaysay sa pulisya ang nakatatakot na pangyayari habang sila’y nagpapahinga sa paglangoy sa Kukui Beach, Faroe Islands. Napansin daw ng pito ang papalapit na puting nilalang na animo’y walang saplot.  Sinabi ng mga dalaga na kinilalang sina Feliz, Petra, Churine, Fleur, Dogna, Uriela, at Karinna, na habang papalapit ang nilalang na naaninag nila bilang isang alien, ay nagliliwanag ang daan at namamatay ang mga halaman na dikitan nito. Ang buong akala ng mga dalagang ito ay katapusan na ng kanilang pagiging birhen at gagahasain na sila ng alien. Ngunit laking gulat nila nang lumakad sa itaas ng dagat ang alien na ito at humuni. Ilang sandali pa lamang daw ay nakarinig na ang mga babae ng mga huni galing sa dagat. Sinubok ng pito na tumakbo papalayo ngunit napansin na paralisado ang kanilang katawan at hindi rin makasigaw. Pagkatapos nito ay tumingin ang alien sa pitong babae at nagsalita sa kanilang wika, na ang ibig sabihin sa Filipino ay: “Kapag nagpatuloy pa ang talamak na pagpatay sa mga balyena sa bayan na ito ay kukunin ko na kayong lahat upang manilbihan sa Tumpalolak.”
Naalarma naman ang mga awtoridad sa nangyari pagkat pinapayagan sa bansang ito ang paghuli sa mga long-finned whales bilang isang katuwaan lamang. Pinatigil na rin ng mga animal rights group ang nasabing panghuhuli ngunit umalma naman ang mga hunters pagkat ang isa sa pitong babae ay pamangkin ng president ng animal rights group. Sinabi ng hunter na ito na gimmick lamang ang kwento ng pitong dalaga.
Kamakailan lamang ay may isang matandang babae ang nag-asal propeta at nagtatakbo sa Kukui Beach at nagsabi na malapit nang dumating ang mga tiga-Tompalolak.”
Hindi naman maipaliwanag ang mga tumubong ugat sa likod ng pitong dalaga na hugis balyena. 

No comments:

Post a Comment